DB Multiverse
FAQ
- What is Dragon Ball?
- Tungkol sa DBM mismo
- Paggawa ng comic
- Usapang fan
- Mga tanong tungkol sa kuwento ng DBM
What is Dragon Ball?
Basahin ang sagot na may kumpletong detalye dito!
Tungkol sa DBM mismo
Sino kayo?
Mga fans na Pranses na hindi (pa) gumuguhit bilang kabuhayan.
Kayo ba ay inisponsor o tinataguyod ng Toei, Jump, Namco, at/o ni Toriyama?
Hindi.
Pero pinapayagan kayong gawin 'yun...?
...hindi. Maaari kung ito ay isang parody (katulad ng kilalang Espanyol na Dragon Fall), ngunit dito ay kakailanganin namin ang copyright, at kailanpama'y hindi namin makukuha 'yun.
Ngunit, sapagkat hindi namin binebenta ang comic na ito, walang dahilan na ipatigil kami sa paggawa ng publisidad para sa Dragon Ball. :)
Sa Japan, ang mga fan-comic na katulad nito, na ang tawag ay dôjinshi, ay napakasikat at napakadami.
Kailan dadating ang mga bagong pahina?
Isang bagong pahina bawat Miyerkules at Linggo, 20:00 GMT.
Ang natitirang oras hanggang sa susunod na pahina ay nasa seksyon na "Basahin ang comic".
Maari din kayo mag-subscribe sa RSS flow.
Ilan ang pahinang lalabas?
Ang pangwakas na bilang ng pahina ay hindi alam. Kung matapos namin ang kuwento, siguradong aabot ng ilang daan,
Meron bang bersyon na nakalimbag?
Wala.
Meron bang anime, o gagawa ba kayo ng anime?
Hindi.
Bakit ba ang laki ng galit mo sa DGBT?
May bigote si Vegeta, p're. BIGOTE!!!
Paggawa ng Comic
Paano magguhit is Gogeta Jr?
Bago ng pahina 100: gamit ng lapis at papel na A3 ang format. Inii-scan niya, tapos ay pinapalitan ang ilang maliliit na bagay sa Photoshop.
Kasama ang draft, pagguhit, pagtinta, tapos ang scan at mga edit, ang isang pahina ay gumagamit ng dalawang araw.
Lagpas nu'n: diretso sa kompyuter gamit ang graphic tablet.
Ang draft, pagguhit, pagtinta, lahat na ay ginagawa diretso sa kompyuter.
Pagkatapos ay pinapadala kay stef84 na siyang gumagawa sa mga detalyeng pangtapos: mga manonood sa arena, itim at grey na kalatagan...
Anong font ang teksto?
Nasaan ang mga kulay?
Walang mga kulay. Ang mga manga ay sadyang itim at puti, maliban na lang ang mga espesyal na kabanata at mga pabalat.
Hindi kami naghahanap ng colorist.
Gumaagawa ba si Gogeta Jr ng 2 pahina bawat linggo?
hindi. Kadalasan ay gumagawa siya ng 5-10 na mga draft ng pahina, tapos iguguhit niya. Ang mga pahinay ginagawa ng "pake-pakete". Pero sa karaniwan, 'yun ay 2 pahina bawat linggo. Hindi namin kaya ang higit pa.
Paano kayo lahat nagtutulungan sa trabaho?
Sina Salagir, Gogeta Jr at Faye ay gumagamit ng Skype, irc, at ano pang gumagana. Halos hindi kami nagkikita.
Ang mga tagasalin at ibang tumutulong ay gumagamit ng mga kagamitan na online na siyang ginawa ni Salagir.
Ganito ginagawa ang isang pahina:
Matatanggap ni G. Jr ang teksto at minsan ay ang page setting mula kay Salagir.
Guguhit si G. Jr ng draft, upang ma-puwesto ang mga tauhan, mga lobo, at makita ang itsura.
Gumagawa ng mungkahi si Salagir kung meron siyang mapansin, at inaangkop ang teksto upang kumasya sa larawan.
Guguhitin ni G. Jr ang pahina (lapis at pagtinta) sa papel na A3 (mas kamakailan ay diretso na sa kompyuter), inii-scan niya, at nagdagdag ng ilang bahagi gamit ang kompyuter.
Pagkatapos ay pinapadala ang pahina kay Salagir na siyang naglalagay ng tekstong Pranses, at gumagawa ng web export.
Makukuha ni Faye ang pahina at dinadagdag ang lahat ng ibang wika (na siyang sinulat ng tagasalin gamit ang isang webpage), at ine-export niya ang mga pahina at nilalagay online.
Ang server ay gumagawa ng mga thumbnail, at pagdating ng 20:00 ay ginawagawa silang maaaring makita.
Kung gusto mo pang makakita ng mas marami tungkol dito...
Paano ninyo nakakaya ang 10 wika?
May ginawa si Salagir na interface para sa pagsalin, upang ma-optimizeang trabaho. Sa oras na matapos niya ang mga teksto (pagkatapos matanggap ang draft o natinta ni G. Jr), nilalagay niya ang tekstong Pranses, at pati na rin ang kanyang pagsalin sa Ingles.
Ang mga tagasalin ay pinapasok ang kanilang wika at ang mga tagawasto para sa Ingles at Pranses ay iwinawasto ang mga pagkakamali ni Salagir. ;)
Mayroong pagsalin ng mga pahina ng comic, ngunit meron din para sa website, mga sari-saring teksto (pamagat ng kabanata, mga mensahe para sa gumagamit), mga pahina ng mini-comic, balita... Maraming trabaho ang mga tagasalin, at salamat sa mga online na kagamitan, sapagkat hindi na muli ako magka-copy-paste mula sa Word.
Walang ibang wika na lalabas, maliban na lang kung may team ng pagsalin na maki-ugnay sa akin. Ngunit dahil ang bawat wika ay malaking trabaho, madalas ay tumtanggi ako sa mga mungkahi, lalo na para sa mga wika na bihirang gamitin.
Paano ninyo pinipili ang mga laban?
Sagot ni Salagir: Ang mga laban ay ibinase sa mga pinagarap na laban na nakita ko online (mga forum, website) sa nakaraang sampung taon (HINDI NA KAILANGAN magmungkahi ng maga laban), mga fanfic na ikinu-kuwento ang mga pagtagpo, at ano, kung anong alam kong makakapasiya sa mga mambabasa.
Ako lamang ang nagpapasya, ngunit bago nu'n ay ikino-"konsulta" ko ang mga ideya ko at kalalabasan sa mga kaibigan na may mahusay na paningin sa DBZ at kritikal na isipan (mga hindi nagpapa-padala sa kanilang pagiging fan),
Pinapalitan ko rin ang aking mga napili base sa kuwento, sapagkat oo, meron ako.
Bakit isang karugtong ng DBZ?
Salagir: Ilang taon na akong nagsusulat ng mga fanfic at gumuhit ng mga comic, na ang malaking bahagi ay tungkol sa DBZ.
Ang karugtong na ito ay isa lamang sa aking mga nagawa, ngunit ito ang lumabas na pinakamaayos.
Sapagkat madalas akong gumawa ng mga fanfiction na nauugma sa orihinal na gawain, ang paggawa ng karugtong ay nagbibigay sa akin ng mas maraming mga kalayaan, at pinapayagan ako na gamiting ang mga tauhan sa magandang panahon sa serye, kung saan lahat ng mga kalaban ay kilala na.
Gogeta Jr: Kasi 'yun ang estilo kung saan ako pinakamahusay.
Ang team
Salagir: Ako'y 28, at nagma-manage ako ng isang I.T. company.
Gogeta Jr: Ako'y 23, at wala akong trabaho.
Faye: Ang mga nag-aakalang lalake ako ay mali. Sa ibang bagay naman, ako'y 23.
Upang malaman pa ang higit dito, i-click ang "Ang mga May-akda"
Usapang fan
Gagawa ba kayo ng forum?
Ang seksyon para sa comments ay pareho na rin sa isang totoong forum.
Binabasa mo ba ang mga comment namin?
Binabasa ni Salagir ang lahat ng mga comment na Pranses at Ingles.
Si Gogeta Jr. ay paminsan-minsan lang magbasa ng mga komentong Pranses. Napakabusy niya.
Ang mga tagasalin ay nagsasabi ng mga nakakawiling comment sa wika nila. Ngunit hindi nila trabaho 'yun. Ang pinakamagandang paraan ay i-mail siya.
Si Salagir ay sumasagot sa Ingles at Pranses. Kung hindi niya sinagutan ang sa'yo, deretsahan lang, huwag kang mangulit. Hindi rin nag babasa si Salagir ng mga SMS-style, nakaka-insulto, o hindi mabasang mga comment.
Pwede mo bang idagdag ang tauhan ko sa DBM?
...hindi.
Gusto mo bang makita ang guhit ko? Pwede mo akong bigyan ng payo?
Hindi kami mga guro. Isa pa, ang Internet ay puno ng mga tutorial at mga payo.
Ako ay kartunista, at nais kong makilahok sa DBM.
Ang mga ibang kartunista ay gumagawa ng mga espesyal na kabanata, ayon sa script ni Salagir. Sa ngayon ay meron kaming ilang panukala kaya kinukuha lang namin ang mga talagang seryoso at talagang motivated, at nakagawa na ng mga comic noon.
Kung ganito na, magpadala ng mail kay Salagir na may kasamang link sa iyong mga likhain.
Mga tanong tungkol sa kuwento ng DBM
Bakit mayroon ilang uniberso at paano sila nagkakaiba?
Una, mayroon walang-hanggang bilang na uniberso. Kailanma'y hindi sila sumasalat sa isa't isa, maliban na lang sa kaso ng time travel at paglakbay ng mga Vargas.
Ang lahat ng mga uniberso ay nag-umpisa sa nag-iisang Big Bang. Pagkatapos nu'n ay nangyari ang lahat na pare-pareho sa bawat uniberso. Eksakto na pareho, na may maliliit na magkakaibang detalye.
Dahil sa mga detalye na ito, maraming mga uniberso ay naghiwalay sa isa't-isa, ngunit hanggang sa ngayon, marami paring magkaparehong uniberso. Ang bawat paghiwalay ay nangyari din sa maraming mga uniberso.
Sa bawat pagkakataon na may pangyayaring maaaring matapos sa dalawang paraan, mayroong paghihiwalay. Ang halos ibig-sabihin nito ay kalahati ng mga nauukol na uniberso ay napupunta sa isang direksyon, at ang kalahati ay napupunta sa kabila.
Halimbawa, sa loob ng 10000000000 na uniberso na "X" (magkakapareho), si Gohan ay nilalabanan si Cell, at sa huling Kamehame Wave... ang 5000000000 na (magkakapareho) mga uniberso X1 ay nakikitang mananalo si Cell, at ang 5000000000 na (magkakapareho) mga uniberso X2 ay nakikitang mananalo si Gohan. Maya-maya, ang mga unibersong X1 ay maghihiwalay sa iba't-ibang mga uniberso (alam lang natin ang iisa sa kanila, ang unibersong nagngangalang 17) at ang mga unibersong X2 ay maghihiwalay din sa mga unibersong 4, 6, 16, 18, at 20 (kasama pa ang iba).
Nota: Ang ginamit ko dito ay 5000000000, ngunit sa totoo ay walang-hanggan ang bilang: ang kalahati ng ∞ ay ∞ (tanungin mo ang iyong guro sa matematika). Sa ganitong paraan, hindi tayo magkukulang ng mga uniberso, at kung maghanap ng maigi, lagi tayong makakahanap ng uniberso (sa totoo nga, walang-hanggan na bilang) na magkapareho sa atin.
At ang time travel?
Noong bumalik sa nakaraan si Trunks, pumunta siya sa isang unibersong pareho sa kanya, at sa nakaraan, pagkatapos ay lumakbay lang siya ng pabalik-balik sa dalawang unibersong iyon lamang (siyempre, may walang-hanggang bilang na Trunkcs na gumawa nu'n).
Halimbawa: Si Trunks ay nasa uniberso A, bumalik sa nakaraan, na siyang lumikha ng paghiwalay sa nakaraan (ngunit pareho lang sa kahit anong paghiwalay), na napanganak bilang A.1 (ang kanyang nakaraan na hindi napalitan), at A.2 (kung saan "alam natin" na napatay niya si Freeza).
(Tumingin ng mga diagram na pinapaliwanag ang kanyang paglakbay sa panahon - PRANSES).
Tapos, ang A.1 ay naging Uniberso 12 (kasama pa ang iba), at ang A.2 ay naging mga unibersong X (kasama ang iba), na ibig-sabihin ang lahat ng ibang nabanggit na nauna.
Magkakaroon ng isang napakalaking tree-chart namaipapaliwanag ang laat ng detalye, ngunit hindi pa sa ngayon upang makaiwas sa mga spoiler.
Paano nahahanap ng mga Vargas ang mga kalahok?
Mayroon silang "magic" na detector na nagsasabi sa kanila kung sino ang pinakamalakas sa uniberso. Ang detector ay hindi nahihirapang maghanap ng mga android at mga nilalang na hindi naglalabas ng enerhiya, ngunit hindi sinasaliksik ang Other World, o ang mga taong walang-malay, na-selyo gamit ng mahika o Mafuba...
Minsan, katulad ng nakita natin sa Uniberso #6, nakakahanap ang detector ng dalawang grupo, at sa kasong iyon ay pinipili ng Varagas ang dalawa.
Ang mga Vargas ay bumisita sa daan-daang uniberso at minsan ang nahanap nila ay halos magkapareho. inimbita lamang nila ang mga mandirigma kapag may nakita silang kawili-wiling pagkakaiba.
Bakit ang lakas ni Broly?
Hindi siya ang parehong Broly sa mga pelikula (sa totoo lang, binigay ko sa sarili ko ang karapatan na palitan ang lahat na hindi galing sa manga).
Ang "mala-alamat" na kapangyarihan ni Broly ay ginawa na laging umaakyat ang lakas niya, habang siya ay buhay. Kaya ang kanyang kapangyarihan ay tumataas sa bawat dumadaang minuto.
Ang mga bayani natin ay nakasalubong si Broly sa isang kapareho ng Pelikula 8, at sa isang kapareho ng Pelikula 10. Sa dalawang pagkakataon ay parehong halos hindi sila nagtagumpay sa pagtaboy sa kanya.
Kaya mo bang sabihin sa amin ang lahat ng pagkakaiba sa pagitan ng mga uniberso at paano sila lahat nangyari?
Hindi, hindi sa FAQ.