Mga Tuntunin
* Pag-umpisa ng labanan
- Pag matawagang iyong pangalan at uniberso, pumasok sa ring.
- Mag-uumpisa ang labanan nang makaapak ang dalawang manghahamon sa ring.
- Kung ang isang manghahamon ay matagal sa pagpasok, yun ay pagkatalo.
*Sa gitna ng labanan
- Kung sadya mong salakayin ang mga taong hindi mo kalaban (ang mga manonood, mga taga-ibang uniberso...) maaaring tawagin ka ng mga reperee na mandaraya, at matatalo ka.
- Hindi ka maaaring tumanggap ng kahit anong tulong mula sa labas, kasama ang materyales, salamangka, enerhiya, o tunog. Sa dahilang ito, huwag lumaban malapit sa iyong espasyo, sapagkat ika'y magiging kahina-hinala.
- Pinapayagan ang kahit anong teknik. Maaari kang magadala ng kagamitan, ngunit dapat ay nag-iisa ka lamang.
*Pagtapos ng labanan
Ikaw ay talo kapag:
- Ikaw ay nawalan ng malay or namatay ng 30 segundo.
- Mawala ka sa paningin ng reperee ng 30 segundo, kaya magpanatiling malapit sa ring.
- Magpakita ka ng klarong senyas na ikaw ay magpapatalo.
- Ikaw ay makatanggap ng tulong mula sa labas, o matawag na mandaraya ng mga reperee.
*Habang hindi nasa laban
- Ang kahit anong problema ay matutuloy
sa pagpapalayas ng buong grupo ng uniberso.
- Ang kahit anong pangangailangan (pagkain, inumin, bagay-bagay, espasyo na pang-wari-wari) ay ibibigay sa iyong kahilingan sa makakaya ng mga organizador.
- Ang mga napinsalaan ay maaring tumanggap ng paggamot mula sa mga organizador hanggang sa kanilang kakayanan. Ngunit ang mga namatay ay kailangang maghintay hanggang sa pagtapos ng tournament.