Minamahal na mga mambabasa,
napakahirap sabihin sa iyo nito, ngunit ...
Napagpasyahan akong ihinto ang pagguhit ng Dragon Ball Multiverse.
Sa loob ng maraming taon, namuhunan ako at ibinigay ang aking makakaya sa DBM. Ito ay maraming trabaho at talagang hindi kapani-paniwala ang bilis sa pag gawa nito, ngunit hindi ko na ito maitutuloy.
Naging masaya ako sa pagguhit ng mga astig na mga labanan, natutuwa rin ako na nakakilala ako ng mga taong naging kabahagi ko sa parehong hilig at ako mismo ay nasiyahan roon..
Kaya, sana patawarin mo ako sa pagtigil at kahit na wala ako, ipagpapatuloy pa rin mo ang pakikipagsapalaran na ito!
Ano ang mangyayari sa DBM?
Una, Wala akong balak na ihinto ang website, maging ang kwento. Nasa akin pa rin ang aking script, at mayroon pa rin akong pagnanasa na ibahagi ito.
Samakatuwid ang Dragon Ball Multiverse ay magsisimulang maghanap ng mga panibagong artist, at isang panibagong bilis. Maaaring tumagal ito ng oras, ngunit naroon pa rin ang paghikayat sa sarili na gawin ito.
Inaanyayahan ka naming gamitin ang mga komento, hindi upang pintasan o i-drama ang sitwasyon, sa halip ay magbigay ng papuri sa mga gawa ni Gogeta Jr.
Ginuhit pa rin niya ang kabanatang ito hanggang sa wakas. Ilalabas na namin ngayon ang pagtatapos ng kabanata sa dalawang pahina sa isang linggo. Pagkatapos ay darating ang isang mahaba at kahanga-hangang espesyal, na kung saan magkakaroon din ng isang mabagal na bilis.
Paumanhin sa mensaheng ito at sa huling sandali at hindi na naisalin ...
Salamat sa inyong lahat sa pagsunod sa amin!
Larawang likha ni Arcady Picardi